Sarah

 Hermin Jun H. Ducanes

BSCRIM 2-A


1. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon?

 

Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-ali o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansanmantala o permanente

2. Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa iyong palagay, paano niya nabuo ang gayong pagpapakahulugan sa OFW?

Si Sarah ay isang estudyante at panganay sa magkakapatid, kapag ikaw ang panganay o nakakatandang kapatid likas na sa iyo ang maging maintindihin sa mga nangyayari sa loob o labas ng tahanan kaya para sa kanya ay normal lang na mangibang bansa ang kanyang ina dahil para matustusan ang kanilan pangangailang sa pamilya. At nabuo niya ang pagkakahulugan ng isang OFW dahil rin sa takbo ng buhay niya at ng kaniyang pamilya kaya nasanay na siya sa kanyang sarili.

3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang sa bawat isang myembro ng pamilya ayon kay Sarah.

Ang konsepto ng kanyang ginagampanang tungkulin bilang panganay na anak sa apat na magkakapatid. Si Jay ay one day millioonaire, si Luis ay adik sa marijuana at si Tricia naman ang nakakabatang kapatid nila at siya ang humahawak ng pera para sa pamilya .

4.Ilarawan ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang ina sa Saudi Arabia upang magtrabaho doon.

Ang pamilya na mayroon sila ay kulang ang pangtustos at gastusin sa bahay bahay nila sapagkat ang kanilang ama paminsan-minsan lang ang trabaho kaya naisipan ng kanyang ina na mangibang bansa.

5.. Ano-ano ang iba‘t ibang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ano-ano naman ang dahilan ng mga OFW na iyong kakilala o nababasa sa mga pag-aaral?

Ang dahilan ng ina kaya ito nangibang bansa ay maraming utang at kulang ang perang binibigay ng kanyang ama at hindi kasya sa pangaraw-araw na kakailanganin. Upang mabigyan ng kinabukasan ang mga anak kaya ito nag-abroad upang matustusan ang kakulangan sa tahanan.

6. Paano nabago ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah sa sumusunod na aspekto nang umalis ang kanyang ina upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ipaliwanag.

a. Aspektong Ekonomik

b. Aspektong Sosyal/Relasyonal

· Relasyon ng Magkakapatid sa isa‘t isa

· Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Tatay

· Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Nanay

Nang umuwi ang kanyang ina ay na bayaran ang kanilang babayarin sa kanilang bahay at na tustusan ang mga bagay na wala sa tahanan nila at sa kanilang gastusin. At nabibigay ng suporta ang kaniyang nobyo at pagkatapos ay nakapagnegosyo sila sapagkat ayaw ng kanyang nobyo na magtrabaho ulit sa siya dating tinatrabahuan niya.

c. Aspektong Emosyonal

7. Paano binago ng pangingibang-bansa ng kanyang ina ang pagkatao ni Sarah?

Nabago ang kanyang pagkatao dahil sa kanyang gawain na pagiging ina sa mga kapatid nang dahil nangibang bansa ang kanyang ina at nasa kanya ang malaking ginagampanang responsibilidad bilang kapatid ang ina sa mga ito. At malaking tulong ang ibinigay ng mga aral ng kanyang nobyo sa kanya upang malampasan ang pagsubok at maging positibo sa mga problemang kinakaharap nito.

8. Ilahad ang kahalagahan ng kaibigan, kasintahan at kaanak sa buhay ng isang anak na ang magulang ay nangibang-bansa para mapunan ang pangangailangan ng pamilya.


Ang isang totoong kaibigan ay walang hinihintay na kapalit sa mga tinutulong niya sa lahat ng bagay, Ang kasintahan kay nagbibigay ng postibong aral upang maging determinado at lakas ang iyong kalooban. Ang kaanak ay iyong ikalawang pamilyang kapag nasa bingit nga problema ay iyong masasandalan at bigyan ng magandang aral upang maglagpasan ang mga suliranin handang tumulong sa kahit anu oras.

9. Ano ang kahalagahan ng spaghetti, sinigang at menudo sa pamilya ni Sarah? Iugnay ang sagot na ito sa buhay nila noong hindi pa nangingibang-bansa ang kanyang ina/nanay.

Noon ang mga pagkain na ito ay iba ang lasa kapag ang kanilang ina ang magluto gayunpaman mas pinili nila ang luto ng ina sapagkat mas masarap at nakakasama nila ito sa hapagkainan at masayang nakukwentuhan. 

10. Ano-ano ang nagsisilbing coping mechanism ni Sarah upang maibsan ang pangungulila sa kanyang ina? Ipaliwanag.

Ang pagtawag sa kanilang ina ay nagpapagaan ng kaniyang kalooban at suporta ng kanyang kasintahan sa tuwing marami siyang ginagawa at nakakaramdam ng lungkot.

 

11.Bilang isa pang halimbawa ng creative nonfiction, ano-ano ang mga katangian ng binasang akdang ikinahusay nito.Ipaliwanag.

Para kay Sarah ang kanyang ginagamit sa mga kanyang saloobin ay ang mga movie na love story na nakakatugma sa kanyang nararamdam.


Mungkahing Gawain

1. Sa loob ng kasunod na kahon, bumuo ng concept map para sa akronim na

OFW.









Comments

Popular posts from this blog

Ang pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

Bakwit Iskul

ISKWATER