ISKWATER

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
- Ang Sentral nito ay nangangahulugan na ang iskwater area ay malayang pag mumugaran ng mga mayaman kaya ganun na lamang ang nararamdaman ni Luis G Asuncion 

2. Mayroon bang paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa
- Ang di tuwirang tinalakay ay ang pagiging matapobre nila sa mahihirap dahil sila ay may kaya at para bang nagpapasikat sa mata ng mga taga iskwater kaya ganun na lamang ang nararamdaman nila.

3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtatalakay mo sa sanaysay?
Bakit?
-Ang layunin ng may-akda ay dapat mailabas niya ang kanyang hinanaing na napatungkol sa kahirapan sa buhay dahil para mabawasan ang kanyang emosyon o galit na mayroon sa kanyang kalooban.

4. Ano-anong mga ideya ang sasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
- Ang ideya na ito ay ang pag sasang-ayon ko sa mga iskwater dahil ang mga mayaman ay dapat pang makipag-siksikan doon sa kanila na dapat sila lang ang nandoon at ang ideya na hindi ako sang-ayon ay ang pagiging matapobre nila at na para bang nag papasikat pa sila sa mga mahihirap

5. Paano ka nakaugnay sa mga kaisipang naka lahad sa teksto? Ipaliwanag
- Nakakaugnay ito sa akin sa pamamagitan ng karanasan na aking pinag daanan bilang isang mahirap na mamayan. Ito ay nag papahiwatig na ang pagiging mahirap na katulad kong sumisikap na maka ahon sa buhay na dinaranas na kahirapan at gawing inspirasyon ito.

6. Gaano kahalaga ang pagtatalakay ng sanaysay sa pangliligaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag
-Mahalaga ito sa akin sa pamamagitan ng karanasan na aking pinagdaanan bilang isang mahirap na mamayan-upang ipamulat na hindi hadlang ang kahirapan sa atin upang maging mayaman at kung gaano hindi patas ang pag-sisiksik ng mayayaman sa Iskwater upang hindi maka bayad ng tax sa lupa hindi nag bago ang aking pananaw sapagkat ito ay nangyayari sa totoong buhay.

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
-Maiuugnay ang teksto sa realidad sa pamamagitan ng pag tuklas kung tama ang sinasabi sa tekstong binasa sapagkat sa aking opinyon ito ay talagang nagyayari sa buhay kung paano sila makipag-agawan o makipag usap sa gobyerno upang hindi sa paalisin sapagkat umaasa silang kapag paalisin ay sana may bago silang libreng pabahay.



Comments

Popular posts from this blog

Ang pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

Bakwit Iskul