Ang pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
Hermin Jun H. Ducanes
BSCRIM 2-A
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
Ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin sa krus ang kalbaryo ibig sabihin ang pagiging bakla ay hindi na aangkop o hindi ka tanggap-tanggap ang pagiging isang bakla sa mata ng diyos ngunit siya ay tao pa rin at siya ay inilikha pa rin ng panginoon.Dahil kasalanan ang pagiging bakla ng isang tao sapagkat siya rin mismo ang ang dahilan kung bakit pagiging mapanukso ang mga ibang tao dahil pag naging bakla ang isang tao ay matik na tutuksuin ito.
2. Sino ang sinasabi sa tulang iba‘t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
Ang sinabing ibat ibang mukha ay ang mga bata,matanda,lalaki,babae,ina,ama,anak,kapatid,mayaman,o mahirap,kilala o di kakilala.Sila ang mga karaniwang tao na hindi mo maiwasan mangutya sapagkat ang isang ang isang tao kapag nalaman nila na iba o hindi kabilang sa kasarian at agad nila itong huhusgahan dahil na lamang sa pagiging natural na tao na may damdamin at emosyon.
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.
Ito ay tumutukoy sa mga taong mapanghusga sapagkat alam nila sa sarili nila na wala silang mali pero nasa kanila mismong pag-uugali ang mali dahil sa sila ay mapanghusga na walang ginawa kundi husgahan at kutyain ang tulad na tao din kagaya nila.
Comments
Post a Comment