Bakwit Iskul
Hermin Jun H. Ducanes
BSCRIM 2-A
1. Suriin ang sumusunod:
a. Pamagat
Sa bakwit Iskul ( Ni Ferdinand Balino)
b. Pangunahing Tauhan
Paking, mga Lumad
c. Tagpuan
Liblib na kagubatan sa Mindanao ,Bawit iskul
d. Suliranin
Hindi pinapayagan ng kanilang tradisyon na makipagpalitan sa mga babae kahit pa mga bata.Binagyo ang kanilamg lahi na ito mismo ang pumapatay,pinapalayas sila sa kanilang mga lupang ninuno,pinasasara ang kanilang mga paaralan,tinatakot ang kanilang mahal na titser at kung ano-ano pa.
e. Iba pang element
SMOG,Ulan,Bagyo,Katutubong Ritwal
2.Ano-ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kuwento?
Nagbago ang kanilang kapaligiran dahil nakapag patayo ng paaralan sa kanilang kumunidad at nabago din ang kanilang kultura sapagkat ang tradisyon ng kanilang mga ninuno ay hindi pinapayagan makipagpalitan sa mga babae kahit bata pa ito pero naisip niya nagbago na ito.
3.Ano-ano ang mga karahasang naranasan ng mga Lumad ayon sa Kwento?
Sila ay pinapalayas sa kanilang kumunidad,at sila ay binabagyo na pumapatay sa lahi nila at pinapalayas sa mga sariling lupa,pinapasara ang kanilang skwelahan,at tinatakot ang kanilang mahal na guro at kung ano ano pa.
4.Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mundo ng mga Lumad ayon sa kuwento?
Ang kahalagahan ni Paking sa kwento ay isa siyang karaniwang mag-aaral sa bakwit iskul na nag pupursige upang maipag malaki siya ng kanilang angkan at maka pamumuhay ng maayos at mapayapa sa kanilang kumunida,at ang pangalang paking ay hango sa mandirigma na nakipaglaban para sa tribong lumad.
5.Paano pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga tauhan sa kuwento?
Pinapatapang sila sa pamamagitan ng pagiging pakikibaka nila dahil dito ay mas lalo pa sila pinapatibay nito dahil sila ay nalayo sa kabihasnan at sa kanilang kultura at tradisyon na ginagampanan nila.
6. Paano nahubog ng paaralang Lumad ang mga panguahing tauhan?
Nahubog sila paaralang iyon dahil sa kanilang tatag na namuhay at mapayapang pamumuhay at para sa kanilang pangarap na makatapos para sa kanilang kinabukasan.
7. Ano-ano ang isyung tinalakay sa kuwentong Sa Bakwit Iskul? Ipaliwanag ang bawat isa.
Una ang kanilang tradisyon hindi pinapayagan ang makikipaglapitan sa mga babae kahit pa sa bata ito.Pangalawa ang SMOG ,sapagkat ito ay ang ntipon na usok na ibinubuga ng mga malalaking pabrika at sasakyan.Pangatlo ang bagyo sa kanilang lugar ito daw ang pumapatay sa kanila at pinalayas ang kanilang paaralan at pananakot sa kanilang guro sa hindi malamang dahilan .
8. Magbigay ng iba pang Pilipinong namatay bunga ng paninindigan sa prinsipyo at paglaban sa mali sa kasaysayan ng Pilipinas. Ilarawan ang napili at isalaysay ang kanyang nagawa.
Si Dr. Jose Rizal sapagkat matapang niyang hinarap ang mga pag sakop ng mga kastila sa bansa gamit lamang ang kaniyang papel at panulat.Pinatanggal niya ang ating bansa sapagkat siya ay may paninindigan sa sarili sa katagang “ ang hindi kumilala sa sariling wika ay mas higit pa sa malansa at mabahong isda”.Ipinaglaban niya ang otonomiya, hindi ang kasarinlan ng Pilipinas,kalayaan at hindi kasarinlan ang nakita ni Dr. Jose Rizal na makabuti sa bansang Pilipinas. Naniniwala siya ng balang araw ay kusog ibibigay ng Espanya ang kasarinlan sa Pilipinas dahil dito ay karapatdapat sa mga indios.
9. Ano ang prinsipyo? Ano ang kahalagahan nito? Ipaliwanag.
Edukasyon ang pundasyon ng isang maayos at matiwasay na lipunan naniniwala si Rizal na ang tawag pag-iisip at asal ng mamamayan ang nagtutulak tungo sa pag-unlad ng pag-unlad ng isang bansa.
10. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa inyong kapwa at bayan?
Pagiging matulungin sa kapwa na nangangailagan at pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan dadamayan sa lahat ng problemaat tutulungan pagiging isang aktibong mamayan handa sa anu ang bagay at pagsubok sa tatahakin para sa aking pinpangarap at para umunlad ang ekonomiya.
11. Magbigay ng mga karapatan ng kabataan ang nalabag sa kuwento? Ipaliwanag.
Karapatan ng mga kabataan na makapag-aral dahil sila ang uunlad sa ekonomiya ng bansa at sila ang pag-asa sa ating bansa na kahit ano man ang iyong estado sa buhay ay karapatan mo mag-aral sapagkat ikaw ay may pangarap sa buhay.
Mungkahing Gawain
1. Ibuod ang binasang kwento. Isulat ang buod sa mga kasunod na patlang.
Si Paking ay isang Lumad na mag-aaral sa Bakwit Iskul at siya ay nagbalik tanaw sa kanyang karanasan dati sa kanilang komunidad at nang biglang lumapit si Hanya sakanya para makipagsalamuha sa kanyang pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga gusaling matataas dahil wala ang mga iyon sa kanilang komunidad at napansin ni Hanya na parang uulan dahil madilimang langit pero ito ay isang SMOG tugon ni Paking at si Hanya ay nag-aatala sa ulan dahil alam niya na hindi uulan ngunit maya`t maya ay biglang umuulan at ng lumakas ito ay sinasabi ni Hanya parati naman binagyo ang kanilang komunidad,pinapalayas,tinatakot at binabawalan sila doon sa kanila dahil sa militarisasyon. At ang pangalangan Paking ay hango sa mandirigmang Lumad na nakikibaka at ito ang dahilan na kayang pagkamayapa at maya`t-maya ay dumating ang kanilang guro na si Titser Rio na papaliwanag sa mga bisita tungkol sa buhay at pakikibaka sa bakwit iskul ng buhay ng Lumad.
1. Panoorin ng dokumentaryong Lumad: Schools Under Attact ng Bughaw Organization Philippines sa YouTube. Matapos ito ay sumulat ng isang mapanuring sanaysay hinggil sa dokumentaryong pinanood.
Ang mga Pilipino ay mapayapang namumuhay sa bansang Pilipinas ang mga Pilipino na naninirahan sa syudad ay maingay, iba`t-ibang usok ng sasakyan na nalalanghap ngunit iba ang nangyayari sa komunidad ng mga kapatid nating mga Lumad doon ay mapaya at tahimik na lugar ngunit sila ay pinaslang,inagawan ng lupa at pinasara at sinira ang mga paaralan kaya labis silang humuhingi ng hustisya sa pagwasak ng kanilang komunidad at sa pagpatay sa tatlong lider nilang Lumad. Kaya maraming batang mga Lumad ang gutong makapagtapos ng pag-aaral para na lamang sa kanilang kapakanan at sa kanilang komunidad. Si Yenyela Undayon ay isang guro ng Program at Mananawa Intergrated Service for Development at siya ay labing pitong taong gulang na nakatapos ng ALCADEY at siya ay naging guro nung Hunyo, isa siya sa mga Lumad na naglalayong mabigyan ng hustisya sa pagpatay sa kanilang mga kasapi at siya ngayon ay nagseserbisyo sa kanilang komunidad bilang guro, ang lugar ng mga Lumad ay mapayapa at tahimik pero maraming kakulangan sa gamit tulad ng mga gadyet,TV at iba pang mga aksis ng sosyal na serbisyo. Sila ang tinatarget ng militar at kanilang pangunahing target ay ang kanilang mga paaralan, na naging sanhi ng pagwakas sa kanilang edukasyon. Sila at tinakot at binantaan ng mga militar at panggagahasa na ginagawa sa kanila sa loob ng paaralan. Kaya nagproprotesta sila sa syudad upang marinig ang hinaing nilang Lumad.
1. Punan ang kasunod na KWL chart hinggil sa sitwasyon ng mga pangakat minorya ng mga kailangang impormasyon.
Ang Alam Ko (What I Know) | Ang Gusto kong Malaman (What I want to know) | Ang Natutunan ko (What I Learned) |
Ang alam ko ay ang mga lumad ay tinatarget ang kanilang komunidad at winasak ang mga paaralan at ginawang campo ang iba naman pinagbabawal tumira kaya ganun ang pagkadismaya ng mga Lumad sa mga militar. | Ang gusto ko malaman ay kung paano sila pinatatag ng hamon sa buhay sa mga nangyayari sa kanilang sitwasyon. Kaya napaisip ako kung kamusta sila ngayon? | Ang natutunan ko sa mga nangyayari hindi porket kabilang nangyayari sa kanila hindi porket bilang ka sa komunidad ng Lumad ay agad mo itong husgahan bagkus dapat mo silang tulungan at tanggpin ng taos-puso bilang katutubo ng ating bansa. |
Comments
Post a Comment