ISANG DIPANG LANGIT

 

    ISANG DIPANG LANGIT

      Amando V. Henandez


DUCANES, HERMIN JUN  BSCRIM 2-A


IKALAWANG GAWAIN :

1.Suriin kung anong uri ng tula? Anong teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri.?


-Sa aking palagay ang tula na nabasa ko ay isang uri ng Pandamdamin, dahil ang tulang ito ay napatungkol sa isang taong bilanggo na napuno ng lungkot ang kanyang buhay sa loob ng bilangguan.
*Bayograpikal ang teoryang pampanitikan, dahil mayroong pagsubok na pinagdadaanan ng bilanggo na ito dahil sa kawalan niya ng pag-asa,
 na mayroon siyang pag asa kaya may pagkakataon na mabago ang kanyang buhay.

>Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula. 

-
Walang humpay ang kanyang pananalig, at nagdasal sa diyos na malampasan niya ang mga pagsubok na kinakaharap niya sa kaniyang buhay, at inilalarawan ng persona sa tula ay isang madilim at puno ng lungkot ang kanyang buhay.

>Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.

Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

-
Ito ang napili ko dahil, ito ay nag papahiwatig na ang lahat ng buhay ay pwedeng makakaranas pag kaka dismaya at puno ng pag-sisisi sa kanyang buhay dahil hindi lahat ng buhay ay buhay meron ding buhay na ang ramdam nila sila ay patay, at sa kanyang pakatatag ay nag karoon ng pag-asa ang kanyang buhay, ibig-sabihin hanggat nabubuhay kapa dito sa mundo ay kailangan mong mag tiwala na sa lahat ng bagay ay may pag-asa.


2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita. 

Ang makata at awtor na si Amado Vera Hernandez ay kilala sa pagiging "manunulat ng mga manggagawa." Dahil sa kanyang pagpuna at pagsusuri sa mga inhustisya na kanyang naobserbahan sa Pilipinas noong panahong iyon, naging pinuno ng mga manggagawang Pilipino si Amado. Dahil sa kanyang pagkakasangkot sa mga kilusang komunista, si Amado V. Hernandez ay inilagay sa likod ng mga bar.


3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez. 

Ang tulang Isang Dipang Langit, na nakatuon sa buhay ni Amando V. Hernandez sa bilangguan, ay nagsasaad ng kanyang mga karanasan. inilalarawan ang kanyang emosyonal na sitwasyon gayundin ang paghihirap, kalungkutan, at kapanglawan na tumatagos sa kulungan. Gayunpaman, nanatili si Amado sa kanyang pananampalataya sa Diyos dahil alam niya ang kanyang mapagmahal na kalikasan. Umaasa ako sa araw na masisilayan niya ang liwanag na pumapalibot sa bagong umaga na may sariwang pananaw sa mga bagay-bagay.


Comments

Popular posts from this blog

Ang pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

Bakwit Iskul

ISKWATER